TRIBUNA
  • Tribuna
    • Sayaw sa Bubog
    • Buhay at Pasakit
    • Likas na Suliranin
    • American Dream
    • MGA NAKARAANG ISYU
    • Edukasyon sa Gitna ng ...
    • Kailan pa tayo naging ...
    • Magtanim ay di biro
    • Elehiya at Pagkakaisa
    • Pondo Para Kanino?
    • Nang Kumawala Ang Kawalan
    • Kultura
    • Graphics
  • Tungkol sa Amin
  • Mag-subscribe
  • Sumali sa Tribuna
    • Tribuna
    • Editoryal
      • Sayaw sa Bubog
      • Buhay at Pasakit
      • Likas na Suliranin
      • American Dream
    • Mga Nakaraang Isyu
      • MGA NAKARAANG ISYU
    • Opinyon
      • Edukasyon sa Gitna ng ...
      • Kailan pa tayo naging ...
      • Magtanim ay di biro
      • Elehiya at Pagkakaisa
      • Pondo Para Kanino?
      • Nang Kumawala Ang Kawalan
    • Kultura | Graphics
      • Kultura
      • Graphics
    • Tungkol sa Amin
    • Mag-subscribe
    • Sumali sa Tribuna

TRIBUNA

  • Tribuna
  • Tungkol sa Amin
  • Mag-subscribe
  • Sumali sa Tribuna
image248

NANG KUMAWALA ANG KAWALAN

J.F. Laura

4 Setyembre 2020


Para ito sa hindi nabibilang, kabilang, o tuluyang iniwan. 


Gayunman, hindi ito tungkol sa bulag na pag-ibig, kundi sa may malay na pagmamahal bagaman napopoot. 


Upang hindi magbilang ng milyun-milyong walang trabaho, binago ang opisyal na depinisyon ng “walang trabaho” sa estadistika, noon pang 2005. 


Kaya relatibong mababa ang porsyento ng walang trabaho sa kabuuang aktibong pwersa ng paggawa (populasyong edad 15 pataas). 


Gayundin, makailang beses itong binago magmula 1976 noong isinasama pa sa bilang ang populasyong edad 10 pataas sa pwersa ng paggawa. 


Dagdag na detalye sa milyong hindi binibilang ang halos 40 porsyentong tinaguriang “di-aktibong bahagi” ng pwersa ng paggawa; ibig sabihin, naglalaro lamang sa 60 porsyento ang aktibo sa ekonomya, at dito rin kinukuha sa 60 porsyento ang bilang ng walang trabaho (unemployed).


Gayundin, kinukuha naman sa bilang ng may trabaho ang bilang ng underemployed— iyong mga may trabahong naghahanap pa ng dagdag na kita sa pamamagitan ng mga sumusunod: dagdag na oras ng paggawa sa kasalukuyang trabaho, dagdag na trabaho, o bagong trabahong may mas mahabang oras ng paggawa.


Nasa 74 milyon ang pwersa ng paggawa noong Hulyo 2020—halos 62 porsyento nito ang aktibo o 46 milyon, habang 38 porsyento o 28 milyon ang hindi aktibo. 


Nasa 90 porsyento ang bilang ng may trabaho, mas mababa sa 94.6 porsyento noong Hulyo 2019. 


Gayundin, nasa 10 porsyento o halos 5 milyon ang walang trabaho—mas mataas ito ng ilang ulit sa 5.4 porsyento noong Hulyo 2019 o 2.4 milyon, ngunit mas mababa sa 17.7 porsyentong walang trabaho noong Abril 2020 o 7.2 milyon. 


Gayunman, ang taong ito ang pinakamalalang krisis sa larangan ng pwersa ng paggawa.


Kailangang idagdag sa 5 milyong walang trabaho ang bilang ng underemployed (o iyong naglalayon pa ng dagdag na kita). 


Halos 7.14 milyon o 17.3 porsyento ang bilang ng underemployed noong Hulyo 2020, mas mataas ito sa 13.6 porsyento o halos 6 milyon noong Hulyo 2019 at mas mababa sa porsyentong 18.9 ng Abril 2020 dahil mas mababa ang aktibong pwersa ng paggawa noong Abril 2020—kaya halos 6.4 milyon lamang ang underemployed noong Abril kumpara sa 7.14 milyon noong Hulyo.


Ang mataas na bilang ng underemployed ay nangangahulugan ng mababang kalidad ng trabaho at kita ng mga Pilipino. 


Nangangahulugan rin ito ng mababang produktibidad ng lipunang Pilipino at kawalan ng pundasyon ekonomyang nakaasa-sa-sarili.


Hindi kasama sa lakas-paggawa natin ang mga overseas Filipino worker (OFWs) dahil panloob lamang na paggawa ang binibilang, gayunman kabilang OFWs sa pwersa ng paggawa sa pinagtatrabahuan nilang bayan. Ngunit umaabot rin ng 10 hanggang halos 12 milyon ang bilang nila noong magsimulang maramihang magbenta ang Pilipinas ng lakas-paggawa nito sa bansa. 


“Bayang nabubuhay sa minimum wage” ang katawagan sa atin ng ilang ekonomista.


Nasa 12.14 milyon ang walang trabaho (unemployed) at may mga trabahong mababa ang kalidad (underemployed) noong Hulyo 2020. 


Gayunman, dahil sa pagbabago ng pagbibilang, tinatantya ng IBON Foundation, isang malayang think tank, na halos nasa 20.4 milyon ang unemployed at underemployed noong Abril 2020. 


Palagiang may adyenda ang pagbabawas, hindi tama o pabagu-bagong pagbibilang. 


Gayunman, may araw na ang mga pilit iwinawala ay kakawala at magbibigay direksyon sa hindi tamang mga pamamaraan at pagkukuro. 

TRIBUNA

Sorsogon, Sorsogon, Bicol, Philippines

0915 826 7135

Karampatang Ari © 2020 TRIBUNA


Magpadala ng email sa tribunaph@gmail.com

Gumagamit ng cookies ang website na ito.

Gumagamit kami ng cookies upang pag-aralan ang trapiko ng website at i-optimize ang iyong karanasan sa website. 

Tanggapin