TRIBUNA
  • Tribuna
    • Sayaw sa Bubog
    • Buhay at Pasakit
    • Likas na Suliranin
    • American Dream
    • MGA NAKARAANG ISYU
    • Edukasyon sa Gitna ng ...
    • Kailan pa tayo naging ...
    • Magtanim ay di biro
    • Elehiya at Pagkakaisa
    • Pondo Para Kanino?
    • Nang Kumawala Ang Kawalan
    • Kultura
    • Graphics
  • Tungkol sa Amin
  • Mag-subscribe
  • Sumali sa Tribuna
    • Tribuna
    • Editoryal
      • Sayaw sa Bubog
      • Buhay at Pasakit
      • Likas na Suliranin
      • American Dream
    • Mga Nakaraang Isyu
      • MGA NAKARAANG ISYU
    • Opinyon
      • Edukasyon sa Gitna ng ...
      • Kailan pa tayo naging ...
      • Magtanim ay di biro
      • Elehiya at Pagkakaisa
      • Pondo Para Kanino?
      • Nang Kumawala Ang Kawalan
    • Kultura | Graphics
      • Kultura
      • Graphics
    • Tungkol sa Amin
    • Mag-subscribe
    • Sumali sa Tribuna

TRIBUNA

  • Tribuna
  • Tungkol sa Amin
  • Mag-subscribe
  • Sumali sa Tribuna
image247

22 Oktubre 2020


Dalawang magkahiwalay na insidente ang pamimigay ng pagkain ng Sorsogon City Police at mga myembro ng Philippine Army sa mga dapat ay magsasagawa ng kilos-protesta, at ang ulat ng Anakbayan-Sorsogon na panghaharang, pagkuha ng personal na impormasyon, intimidasyon, noong ika-21 ng Oktubre sa kapitolyo.


Kumalat sa social media ang post ng Sorsogon City Police Station (SCPS) tungkol sa anila ay pamamahagi sa mga nagrarali sa kabila ng "maling prinsipyong ipinaglalaban" ng mga ito. Hindi ito kumpleto ayon sa salaysay ni Dan Janer, isa sa mga kabataang dumalo sa gaganaping programa nila, ng mga magsasaka at unyon ng mga maralita para sa paggunita ng World Foodless Day.


Aniya, higit sa tatlong dyip ang nakatakdang sumama sa programa kahapon kung saan ang unang nakarating sa kapitolyo ay naglalaman ng 10 kabataan. Kinuhanan sila ng materyales na gagamitin sana sa programa, at sinalubong ng nakaabang na isang trak ng militar, isang mobil ng pulis at humigit-kumulang 20 na intel na nakapalibot sa kapitolyo.


Ang dyip na nasa post ng SCPS ay ang ikalawang dyip na ayon kay Dan ay napilitan lang kumuha ng biskwit dahil sa panghihikayat ng mga pulis na may halong intimidasyon.


Samakatuwid, hindi natuloy ang programa. Agad din nilang pinara ang ikatlong dyip sa takot na palakihin pa ng mga militar ang tensyon. Gayundin, kinuhanan sila ng personal na datos tulad ng pangalan at tirahan. Anupa't may mga militar at pulis na nagpatanggal ng face mask at face shield sa mga delegado para makuhanan ng litrato.


Ayon sa post ng SCPS, paglason sa isipan ng kabataan ang isinasagawang mga programang ito; sagabal sa pag-unlad ng bansa.


Samantala, patuloy na ginigiit ng mga progresibong grupo ang pagiging di konstitusyunal ng Anti-Terrorism Act of 2020, kasama na ang Memorandum Order No. 32 na nakasentro sa Negros, Samar at rehiyong ng Bicol.


Nagkaroon din ng kilos-protesta kahapon sa Naga, Batangas, sa Mendiola sa Maynila at iba pang bahagi ng bansa para sa paggunita ng buwan ng mga pesante.


Narito ang mga link ng post na bahagi ng balitang ito:


Anakbayan-Sorsogon:

https://bit.ly/3jmihEv


SCPS:

https://bit.ly/2HoJMjm


#

Mag-komento

TRIBUNA

Sorsogon, Sorsogon, Bicol, Philippines

0915 826 7135

Karampatang Ari © 2020 TRIBUNA


Magpadala ng email sa tribunaph@gmail.com

Gumagamit ng cookies ang website na ito.

Gumagamit kami ng cookies upang pag-aralan ang trapiko ng website at i-optimize ang iyong karanasan sa website. 

Tanggapin