TRIBUNA
  • Tribuna
    • Sayaw sa Bubog
    • Buhay at Pasakit
    • Likas na Suliranin
    • American Dream
    • MGA NAKARAANG ISYU
    • Edukasyon sa Gitna ng ...
    • Kailan pa tayo naging ...
    • Magtanim ay di biro
    • Elehiya at Pagkakaisa
    • Pondo Para Kanino?
    • Nang Kumawala Ang Kawalan
    • Kultura
    • Graphics
  • Tungkol sa Amin
  • Mag-subscribe
  • Sumali sa Tribuna
    • Tribuna
    • Editoryal
      • Sayaw sa Bubog
      • Buhay at Pasakit
      • Likas na Suliranin
      • American Dream
    • Mga Nakaraang Isyu
      • MGA NAKARAANG ISYU
    • Opinyon
      • Edukasyon sa Gitna ng ...
      • Kailan pa tayo naging ...
      • Magtanim ay di biro
      • Elehiya at Pagkakaisa
      • Pondo Para Kanino?
      • Nang Kumawala Ang Kawalan
    • Kultura | Graphics
      • Kultura
      • Graphics
    • Tungkol sa Amin
    • Mag-subscribe
    • Sumali sa Tribuna

TRIBUNA

  • Tribuna
  • Tungkol sa Amin
  • Mag-subscribe
  • Sumali sa Tribuna
image390

Kailan pa tayo naging handa sa sakuna?

J. Villaruel

6 Nobyembre 2020

 

Delubyo ang tumambad sa mga Bikolano matapos haribasin ng pinakamalakas na bagyo ng taon ang rehiyon, noong unang araw ng Nobyembre.


Hindi bababa sa 20 ang namatay samantalang tatlo pa rin ang nananatiling nawawala. Hindi naman bababa sa  walong bilyong piso ang naitalang pinsala sa agrikultura at imprastruktura batay sa ulat ng Department of Agriculture at Department of Public Works and Highways ng rehiyon.


Ang tanong, ang naturang bagyo nga ba ang salarin sa hindi matutumbasang halagang iniwang pinsala ni Bagyong Rolly sa rehiyon? Higit pa dito, ang Bagyong Rolly nga ba ang pinakamalalang delubyong humagupit sa rehiyon at sa bansa ngayong taon?


Araw-araw, kinakaharap hindi lamang ng mamamayan ng Bicol kundi ng buong bansa, ang kapabayaan ng mga nasa posisyon na inaasahang dapat ay nangunguna sa pagtitiyak sa  kaligtasan ng kanyang mamamayan.


Matatandaang bago pa man lumabas ang bagyong Quinta, nasipat na ng PAGASA ang pagdating ng bagyong Rolly at ang direksyon nito. Mulat ang buong daigdig na ito ang pinakamalakas na bagyo sa buong taon. Ibig sabihin, nangangailangan ito ng ekstra-ordinaryo, mas puspusang paghahanda at oryentasyon sa mamamayan. Subali’t nasaan ang kinauukulan nang nangangapa ang sambayanan sa mga kaukulang impormasyon na dapat nilang malaman?


Higit pa sa mga pangyayari ilang araw bago manalanta ang bagyo, kailangan rin nating kilalanin na ang paghahanda sa mga sakuna ay hindi lamang nakasalalay sa mga hakbang na isinasagawa ilang araw bago ang inaasahang sakuna.


Sa buong bansa, palagiang nagdurusa ang mamamayan, lalo na ang mga magsasaka, sa malalakas na hagupit ng bagyo. Ang tanong ng ibang may pribilehiyo na hindi man lang mabasa ang mga  paa tuwing bumabagyo, “Kayo na rin ang nagsabing palagian, bakit hindi pa kayo nasanay na maghanda sa mga ganitong sakuna?”


Ang isa pang tanong natin ay, “Sinu-sino nga ba ang responsable sa malawakang pagkawasak ng kalikasan, ang ating natural na depensa sa anumang natural na mga sakuna?”


Halimbawa na lamang, sa Guiunobatan sa Albay, matagal nang nananawagan ang mamamayan na itigil na ang lubhang mapaminsalang quarrying sa lugar. Subali’t hindi ito pinakinggan sa ngalan ng kita mga nagmamay-ari nito. Ngayon, matapos ang bagyo, ang bayan ding ito ang isa sa mga dumanas ng pinakamalalang dagok ng pagkawasak. Lumubog sa lahar at debris ng bulkang Mayon ang maraming tahanan at establisyimento sa lugar.


Hanggang nananatiling mas matimbang sa awtoridad ang kita ng malalaking mga negosyo kumpara sa kaligtasan at mas sustinableng pamumuhay ng mamamayan, kailanman’y di tayo magiging handa, mananatiling bulnerable at nagugulantang sa mga bagyo, lindol, at iba pang mga natural na sakuna.


Sa ngayon, habang sumisikad ang pagsisikap para sa agarang ayuda ang ilang mga maka-masa at makabayang opisyales, hinahamon din tayo ng panahon na tulungan ang ating mga kababayan sa abot ng ating makakaya.


Habang aligaga tayo sa pagbabayanihan para tulungan ang ating mga kapatid na nasalanta ng bagyo upang makabangon, hindi din masama na silipin at panagutin ang mga tunay na salarin sa dusang inihahatid sa atin ng mga ganitong klase ng kalamidad.


###


I-share sa Facebook

Magbalik sa homepage

TRIBUNA

Sorsogon, Sorsogon, Bicol, Philippines

0915 826 7135

Karampatang Ari © 2020 TRIBUNA


Magpadala ng email sa tribunaph@gmail.com

Gumagamit ng cookies ang website na ito.

Gumagamit kami ng cookies upang pag-aralan ang trapiko ng website at i-optimize ang iyong karanasan sa website. 

Tanggapin