TRIBUNA
  • Tribuna
    • Sayaw sa Bubog
    • Buhay at Pasakit
    • Likas na Suliranin
    • American Dream
    • MGA NAKARAANG ISYU
    • Edukasyon sa Gitna ng ...
    • Kailan pa tayo naging ...
    • Magtanim ay di biro
    • Elehiya at Pagkakaisa
    • Pondo Para Kanino?
    • Nang Kumawala Ang Kawalan
    • Kultura
    • Graphics
  • Tungkol sa Amin
  • Mag-subscribe
  • Sumali sa Tribuna
    • Tribuna
    • Editoryal
      • Sayaw sa Bubog
      • Buhay at Pasakit
      • Likas na Suliranin
      • American Dream
    • Mga Nakaraang Isyu
      • MGA NAKARAANG ISYU
    • Opinyon
      • Edukasyon sa Gitna ng ...
      • Kailan pa tayo naging ...
      • Magtanim ay di biro
      • Elehiya at Pagkakaisa
      • Pondo Para Kanino?
      • Nang Kumawala Ang Kawalan
    • Kultura | Graphics
      • Kultura
      • Graphics
    • Tungkol sa Amin
    • Mag-subscribe
    • Sumali sa Tribuna

TRIBUNA

  • Tribuna
  • Tungkol sa Amin
  • Mag-subscribe
  • Sumali sa Tribuna
image393

ELEHIYA AT PAGKAKAISA

J.F. Laura

18 Setyembre 2020


Kailangang buong tapang na kundehahin ang walang awang pagpaslang kay Jobert Bercasio, host ng Balangibog TV at may malawak ng karanasan sa pamamahayag sa probinsya at rehiyon. 


Kilala siyang “hard-hitting” na komentarista sa sosyo-politikal na mga usapin sa punto de bista na mas makakabuti, mas makakapagpadali at sa ngalan ng katapatan. 


Katulad ng marami, isa siya sa lumalaban sa mga abusado. Sa kabuuan, politikal ang dahilan sa kanyang pagkakapaslang. Habang sa partikular, ang iba’t ibang isyung iniimbestigahan niya ang mga dahilan. 


Unang beses rin itong nangyari sa buong probinsya kasabay ng tinaguriang pagiging “moderno” nito dahil sa iba’t ibang konstruksyon ng mga daanan, opisina, gymnasium at mga magaganda-sa-matang disenyo.


Sa isang banda, gayunman, maaaring hindi politika sa Sorsogon ang dahilan sa kanyang pagpaslang kundi ang politika sa orihinal niyang pinanggalingan–Rapu-rapu, Albay, ayon sa pagtingin ng kasalukuyang mediaman at politikong si Bokal Roland Añonuevo.


Mas aktibo si Jobert sa politika ng Rapu-rapu at maaaring nakatagpo ng “rookie player” na politiko na mabilis mapikon. Paalaala ng Bokal na “argue with a general, not with a mere soldier” dahil mababa ang pasensya ng rank-and-file at kulang sa training.


Sa kabilang banda, si Jobert ay itinuturing na nabibilang sa independent media sa probinsya at rehiyon, ani Roberto “Maestro Obet” Apin, dahil hindi sila sumusunod sa kumpas ng malalaking politiko. Hindi maaaring harangin ng burukrasya sa media ang kanyang mga ipinahahayag at iniimbestigahan.


Gayunman, kasama pa rin sa “mainstream” si Jobert, paliwanag ni Bobby Labalan, unang presidente ng Sorsogon Organization of Newswriters, Announcers and Reporters (SONAR) noong 1990s. Aniya, bagaman hindi siya nabibilang sa mainstream outfits may sarili naman silang news outlet.


Maaaring tinutukoy dito ni G. Labalan ang praktika ng pamamahayag sa probinsya, ang labas at loob nito, ang historikal na kaibahan nito noong 1990s sa kasalukuyan at ang mahigpit na kontrol dito ng malalaking politiko. 


Naikwento nga ni Maestro Obet, sa kanyang online program matapos paslangin si Jobert, nang alukin silang maging swelduhan sa kapitolyo.  Siya at si Jobert ay hindi pumayag, aniya, dahil tinitignan nila itong kapitulasyon sa malalaking politiko at pagkakatali ng kanilang tungkulin at karapatang magpahayag.


Halimbawa ito ng mga magkatunggaling pagtingin hinggil sa isang phenomenon: walang-awang pagpaslang kay Jobert, na respetado at mahal ng kanyang mga tagasubaybay. Bunga ito ng reyalidad ng pagbabago ng katangian ng politika sa probinsya at rehiyon– nagiging mabagsik para sa pansariling interes, na tila naghuhbad ng maskra. Pinahihinog nito ang normalisasyon ng pagpaslang, pang-aabuso, kawalang-katarungan, at pagkitil sa batayang mga karapatan.


Tila maagang ginunita ng mga abusado ang ika-48 taon ng deklarasyon ng batas militar noong ika-21 ng Setyembre 1972. Gayunman, pinapaalalahanan natin sila: lumalakas ang pamamahayag at paggiit sa mga karapatan. Dahil dito, paliwanag ni Ginoong Labalan, panahon na muling magsama-sama ang lokal na komunidad ng media sa probinsya at tasahin ang sitwasyon. Mabilis itong nangyayari.


#

TRIBUNA

Sorsogon, Sorsogon, Bicol, Philippines

0915 826 7135

Karampatang Ari © 2020 TRIBUNA


Magpadala ng email sa tribunaph@gmail.com

Gumagamit ng cookies ang website na ito.

Gumagamit kami ng cookies upang pag-aralan ang trapiko ng website at i-optimize ang iyong karanasan sa website. 

Tanggapin